UNIFIED LOADS

Home | Our Products | Product List | Business Accounts | Registration | SMS Commands | Potential Income | Modes of Payment | FAQ's | About Us

unified.jpg

Mga Mahahalagang Katanungang dapat malaman ng bawat member:


1.  Bakit wala o minsan matagal ang reply ng system o matagal dumating ang load?

Ang mga posibleng dahilan ay:

  1. Mali ang command
  2. Sira o naka down ang Loading sytem ng TELCO. Kapag na detect ng system na may problem sa part ng Telco, may matatanggap po kayo na confirmation notice automatically.
  3. Walang natanggap na text request ang system
  4. Nag reply sa outgoing numbers ng system ( Ito po ang computer generated mobile number na nagpapadala lamang ng mga confirmations) mangyari po lamang na sa mga tamang Access Numbers lang magpapadala ng mga sms o text command para ma process ang inyong mga transactions.
  5. May delay sa network ng mga TELCO dahil nakikigamit lang tayo ng system, maaring nasa side po nila ang problema at hindi po sa system natin.

Mabilis po mag process ang system natin compare to others. Huwag lang delayed ang text load request nyo o walang matanggap ang system. Simula sa inyong pag-send, pag process ng load hanggang sa matanggap ninyo ang confirmation it will take 15-20 or 30 seconds only guaranteed! REAL TIME

2.  Ano ang dapat gawin kapag matagal ang reply ng system at wala pang confirmation na natatanggap?

 

Kapag wala pa kayong confirmation na natatanggap sa loob ng 1 minuto lamang, magtext po kayo agad ng U <space> HELP <space>Your message para ma-itanong kung anong nangyari sa request ninyo. Posibleng walang natanggap o delayed.  Maaari ring I-send muli ang inyong load text request pero siguraduhin lamang na kapareho ng una ninyong text at walang 1 space at any character or letters after ng command para hindi madoble ang ma process na load kung sa kaling madelayed ang dating ng inyong load text request sa system.

Don’t worry ang system natin ay merong 2 Hours FILTER para sa delayed, identical or multiple messages kaya hindi ito mapaprocess.

Sakaling may same command kayo either Balance Inquiry, Change Pin, Load fund transfer, Smart Money reference # conversion o may loloadan kayo sa loob ng 2 oras na kaparehong customer number at product, kailangan po nyong lagyan ng 1 space at any character or letters after ng load text request para hindi siya I-consider ng system na delayed, identical or multiple messages, saka pa lamang ito mapa process ng system.

 

Kapag nagreply ang Technical Support / Customer service at nais nyo pong magpasalamat o magtext pang muli, huwag na huwag po kayong magrereply sa mobile number nyo na natatanggap dahil ito ay outgoing number ng system.  Mangyari po lamang na gamitin ang U <space> HELP <space>Your message at ipadala lamang sa Access Number, sa tuwing kayo ay magrereply.

3.  Paano Kung ako ay may natanggap na confirmation at walang natanggap si customer na load o kaya confirmation pero nabawasan na ang Load Fund ko?

Ang mga posibleng dahilan ay:

  1. Maaaring natanggap na ni customer ang load pero wala lang confirmation o delayed ang confirmation sa kanya. Abisuhan siya na mag check balance. Sa kaling wala talagang natanggap na load mayroong 3 kadahilanan:
    1. Mali o hindi sa kanya ang number
    2. Matagal mag refresh ang network ng personal prepaid account ni customer
    3. Kinaltasan ka ng system at hindi talaga naprocess ng maayos ng system (Failed) dahil sa problem sa part ng TELCO. Pwede po kayo magverify gamit ang U <space> HELP <space>Your message at ipadala lamang sa Access Number. Ito naman po ay ibabalik agad sa inyo kung hindi talaga na process o kaya kayo nama’y tatanungin kung ireretry nila ito para sa inyo.
  2. Ibang number ang napadalhan at ito ay naprocess. Please triple check before sending it.
  3. Invalid mobile number. Maibabalik ito kung na verify na walang naloadan. 

4.  Ano ang E-PINs?

Ang E-pins o Electronic Pins ang tawag sa mga pins na pinapadala thru computer generated text.  Katulad din ito ng mga cards na binebenta sa labas, ang pinagkaiba lamang ay hindi na kailangan pang mag I-scratch ng physical cards. 

Hingin lamang ang mobile number sa customer kung saan ipapadala ang E-pins. Sa kaling walang maibigay ang customer na mobile number, ipa-alam sa kanya na sa mobile number mo na lang ipapadala ang E-pins at saka mo ito ipakita sa kanya.

Kapag hindi dumating ang E-pins o gusto muling makuha, mangyari po lamang na gamitin ang U <space> RESEND <space> Mobile number of recipient at ipadala lamang sa Access Number. Ipapadalang muli ang nabiling E-pins sa Mobile number of recipient  Ito po ay nasa computer for a period of 7 days only after purchase.                                                                   

5.  Anu-ano ang mga ibang dahilan kung bakit nagkakaroon ng Invalid syntax o command?

    1. Kulang, iba at sobra ang mobile number
    2. Paggamit ng mga letters instead of numbers. Ex. Instead of Zero 0 gumagamit ng Letter O.
    3. May double or multiple spacing sa pagitan ng mobile number, code at Mobile Pin. Sensitive po ang system kaya kahit 1 space nadedetect, paki check mabuti bago ito ipadala sa Access numbers.
    4. Napupunta sa next line ang Mobile Pin. Iwasan ang pag pindot ng matagal sa space key ng Cell phone mo.
    5. Ibang network ang niloloadan. Tama ang Mobile number pero mali ang denomination. Na dapat pang Smart/Globe/Sun. Nagiging pang globe, sun/smart, sun/smart, globe.

6.  Anu-ano naman ang  mga kadahilanan kung bakit nababawasan ang Load Fund at nagkakaroon ng mga di inaasahang pagkakaltas?

a.        Gaantext 10, 20 ay pang Talk n’ Text number lamang, nasusubukang pasukan ang Smart number.

b.       Smart Talk 100 Temporary Unavailable. Hindi maloadan ang customer ng promo dahil madami ng nakaregistered.

c.        Naloloadan ng promo ang smart roaming number na dapat ay regular smart load.

d.       May existing Promo Package pa ang customer AllText or Unlimited Text & Call. Siguraduhin hindi na siya nakaregistered sa kahit anung promo o nagamit niya na ang mga free calls. Lalo na ang All text 20 Combo with 5 min call. Kadalasan ubos na ang pang text at di ginagamit ang 5 min free call saka siya magpapaload ng Alltext20combo. Dapat ubusin muna ang call. Magpaload ng regular load o magpa pasa load para magamit ito kung naubusan na ng pangtext.

e.        Hindi na active o naka deactivated na ang number ng customer.

f.         PREACTIVE ang Mobile number ng customer. Ito po yung mga bagong bili na SIM. Kailangan po muna siyang mag check ng balance bago ito pa loadan sa inyo.

Kapag isa sa mga ito ay na experience ninyo, ito po ay maibabalik agad sa account ninyo. Hinihingi lamang po ang inyong pang-unawa.

7.  Paano Mag pa Up-grade ng Account?

Pwede lamang po magpa Up-grade ng account ang mga nag-avail ng promo, nakaregistered directly sa atin. Kapag hindi nakaregistered directly sa atin ito din po ay pinapahintulutan basta’t hindi ma ba by-pass ang inyong Up-line o may pahintulot nito.

8.  Paano kung gusto magpalit, nawala, nasira, nawalan ng signal ang SIM?

 

Pwede po kayo magpalit ng mobile number provided maibigay ninyo ang tamang details na ginamit ninyo ng kayo ay magpamember. Kasama na ang natitirang laman. With same Up-line.

9.  Pwede po ba akong magpalit ng upline Mobile number?

Hindi na po. Kami lamang sa Marketing ang magdedecision kung kayo ay nararapat na ilipat ng Up-line. Kapag lamang ang inyong Up-line ay hindi na active (No transactions within 1 month), gumawa ng hindi tama o nakagawa ng matinding violations tulad ng di tamang paggamit ng system o business, masamang mga salitang nagmumula sa kanya tuwing may concern at pag lipat sa ibang friendly competitors.